Itutulak ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pag amyenda sa batas na lumikha sa PEZA o Philippine Economic Zone Authority.
Ginawa ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng pagkakasunog ng malaking pabrika sa PEZA kung saan tatlong manggagawa ang nasawi.
Partikular na nais matignan ni Bello ang mga probisyon hinggil sa fire inspection sa loob ng economic zones at kung nakakasunod ang mga kumpanya sa occupational safety and health standards gayundin sa kabuuang panuntunan ng paggawa.
Maliban dito, nais ring iparepaso ni Bello ang memorandum of agreement na nalagadaan lamang nitong Enero kung saan inilipat na sa PEZA ang responsibilidad para magsagawa ng safety checks sa mga establisimiyento sa loob ng economic zones.
By Len Aguirre
Photo Credit: CNN Philippines