Humingi ng tulong ang Department Labor and Employment (DOLE) sa National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y katiwalian sa pondo ng tulong panghanap-buhay sa ating disadvantaged/displaced workers o tupad program ng pamahalaan.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello, III, pansamantalang sinuspindi ang naturang programa sa ilang distrito sa Quezon City para hindi mabahiran ng dumi ang buong programa.
Naglalagay umano ng mga coordinatiors ang mga baragay at hinahati ang 5,730 pesos na sahod sana ng mga trabahador.
Napupunta ang P1,000 sa mga nagpapanggap na mangagagawa, habang ang mahigit P4,000 naman ay pinaghahatian ng coordinator at iba pang kasabwat.
Maliban dito, nauubos ang pondo ng wala namang nagagawang trabaho.
Aniya, posibleng kasuhan ang mga nasa likod ng nasabing korapsiyon kapag napatunayan at nakumpleto ang isinasagawang imbestigasyon.