Magkakaloob ng 20,000 piso hanggang isang milyong pisong puhunan ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga nais magsimula ng negosyo.
Ito’y sa ilalim ng integrated livelihood program o kabuhayan program ng ahensya.
Makakatanggap ng 20,000 piso ang mga indibidwal na nais magsimula ng maliit na negosyo habang aabot naman sa 250,000 piso ang matatanggap ng mga organisadong grupo na may 15 hanggang 25 miyembro.
Ang mga grupo naman na may miyembro na 26 hanggang 50 ay maaaring makatanggap ng hanggang sa 500,000 piso at isang milyon naman sa may higit 50 miyembro.