Maglalabas ng desisyon sa susunod na buwan ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa hirit na umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital (NCR) at 7 pang rehiyon sa bansa.
Ayon sa DOLE, nagsasagawa na ng konsultasyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa mga employer at manggagawa upang plantsahin ang desisyon na ilalabas naman sa Mayo.
Inaalam na rin ang pangangailangan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga employer sa bawat rehiyon.
Samantala, bukod sa Metro Manila, inihihirit din na taasan ang suweldo ng mga manggagawa sa Central Luzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Sockssargen at Caraga region.