Magsasagawa ng nationwide online job fair at job summit ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mayo 1 o Labor Day.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, katuwang nila sa mga nasabing aktibidad ang kanilang regional offices, Public Employment Service Offices (PESO) ng mga lokal na pamahalaan at maging ang pribadong sektor.
Sinabi ni Tutay na layon ng job summit na makabangon ang labor sector at matulungan ang mga nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Para sa mga dagdag na detalye, maaari aniyang puntahan ng publiko ang Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) web page sa ilalim ng Bureau of Local Employment (BLE) na ble.dole.gov.ph.
Samantala, muling nilinaw ng opisyal na lahat ng event sa araw ng panggawa ay gagawin online dahil ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings bunsod ng mataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.