Magsasagawa ng “specialized” job fairs ang Department of Labor and Employment (DOLE) bukas, November 16 hanggang 18.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, gaganapin ito sa SMX Convention Center sa Pasay City kung saan nasa 1,400 trabaho ang bubuksan.
Ilan sa mga bakanteng trabaho na nangangailangan ng manggagawa ay engineers, apprentice engineers, technicians, production supervisors, export supervisors, production operators, analysts at accountants.
Kumpara sa regular na job fairs, isinasagawa ang “specialized” job fairs para punan ang bakante sa ilang piling idustriya at sektor.