Mahigpit na nakamonitor ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa sitwasyon sa Hong Kong.
Tiniyak ito ni Labor Director IV Raul Francia sa gitna na rin ng desisyon ng gobyerno ng Hong Kong na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa libu-libong dayuhang manggagawa rito.
Sinabi ni Francia na ibabatay ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa sitwasyon ang magiging hakbang bilang tugon sa magiging epekto ng mandatory vaccination sa Hong Kong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang Hong Kong ang ika-apat na destinasyon ng mga OFW.