Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga mag-aaral na magsisipagtapos, mga naghahanap ng mapapasukan at mga walang trabaho na makiisa sa tatlumpu’t dalawang (32) nationwide job fair na naka-iskedyul sa natitirang mga araw ng Marso.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang naturang mga job fair ay mas convenient at mas tipid kung tutuusin sa mga naghahanap ng trabaho.
Maliban dito, sinabi ng Kalihim na malaki din ang posibilidad na ma-hire on the spot ang mga aplikante kung naabot ng mga ito ang kwalipikasyong hinahanap ng mga employer.
Sa mga interesado, pinalalahanan ni Bello ang mga ito na huwag kalimutang magdala ng maraming kopya ng resume, 2 by 2 pictures, diploma at transcript of records, birth certificate at certificate of employment para sa mga nakapagtrabaho na dati.
By Ralph Obina