Nakatakdang mamahagi ng bisikleta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nawalan ng trabaho at nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Karina Perida-Trayvilla Director ng Bureau of Workers with Special Concerns ilulunsad sa susunod na linggo ang nasabing programa na naglalayong magkaloob ng paunang 900 bisikleta sa mga beneficiary na sasailalim sa training kaugnay sa traffic regulations at financial literacy gayundin sa occupational safety and health standards.
Ang mga beneficiary aniya ay tatanggap din ng insulation bag, protective helmet, reflective vest, bike rack, cellphone at load wallet.
Sinabi pa ni Trayvilla na nakipag-partner ang DOLE sa Grab at Lala Food at Lala Move para sa naturang programa.
Ang naturang programa aniya ay gugulong muna sa Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa , Maynila at iba pang lugar sa susunod na linggo.