Milyung-milyong manggagawa ang nanganganib mawalan ng trabaho sa pagpasok ng susunod na administrasyon.
Ito ang reaksyon ng Department of Labor and Employment o DOLE makaraang ihayag ng mga presidentiable na kanilang tutuldukan ang kontraktuwalisasyon kapag sila’y naluklok sa puwesto.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, labag naman talaga sa batas ang pagpapatupad ng endo o iyong 555 work arrangement kung saan, tinatanggal na ang isang empleyado sa loob ng anim na buwan bago ma-regular sa trabaho.
Gayunman, hinimok ni Baldoz ang mga kandidato na linawin kung saklaw ng kanilang paninindigan ang mga lehitimo at iligal na work scheme ng mga employer.
By Jaymark Dagala