May pansamantalang trabaho na iaalok ang Department Of Labor and Employment o DOLE sa mga informal sector na naapektuhan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring mag-apply sa ilalim ng tupad o tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers program ng ahensya ang mga unemployed at self employed workers, at maging ang mga nasa non-formal sectors gaya ng sidewalk vendors, labandera at tricyle drivers .
Aabot aniya sa P5,370 ang maaaring kitain ng mga makakapasok sa programa para sa 10 araw na trabaho, na makukuha sa pamamagitan ng remittance center.
Samantala, umapela na rin ng dagdag na pondo ang ahensya sa Department of Budget and Management (DBM) bilang tulong sa formal workers na apektado rin ng ECQ.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico