Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na ibigay na ang mandatory 13th month pay sa mga empleyado bago mag Disyembre 24.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nakasaad sa batas na obligado ang mga employer na bigyan ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay na katumbas ng isang buwan nilang sahod.
Gayunman, nasa pagpapasya na anya ng mga kumpanya kung nais nilang gumawa ng special arrangements para sa pagbabayad ng 13th month.
Sinabi rin ng kalihim na may karapatan ang mga manggagawa sa 13th month pay anuman maliit o malaki man ang kanilang sahod o estado sa trabaho. —sa panulat ni Hannah Oledan