Tiniyak ng Department Of Labor and Employment (DOLE) na may sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III nagpapasalamat siya at malaki ang pondong inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga OFW.
5 bilyon aniya ang alokasyon para sa mga OFW bukod pa ito sa 3 bilyong pisong nakalaan sa ilalim ng bayanihan 1.
Dahil dito kumpiyansa ang kalihim na sapat ito para tugunan ang pangangailangan ng mga OFW hindi lamang para sa repatriation kung hindi maging sa reintegration ng mga ito.