Pina-alalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga private sector employer na tumalima sa holiday pay rules ngayong Labor Day.
Alinsunod ito sa inilabas na Labor Advisory 7 ni Labor Secretary Silvestre Bello the Third.
Para sa mga papasok sa trabaho ngayong araw ng paggawa, makatatanggap ang mga ito ng 200 percent ng kanyang arawang sahod o double pay.
Para naman sa mga mag-ta-trabaho ngayong regular holiday kahit naka-day off, tatanggap ang mga ito ng karagdagang 30 percent sa arawang sahod bukod pa sa 200 percent habang dagdag 30 percent din para sa mga mag-o-overtime.