Nagbanta si Labor Secretary Silvestre Bello III ng deployment ban ng overseas filipino workers o ofw’s sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa patuloy na pagkaantala sa settlement ng mahigit P5.1 bilyong unpaid salaries ng mahigit 11,000 overseas workers.
Aniya, kung hindi pa rin ito maaayos ay irerekomenda niya kay Pangulong Duterte ang totall deployment ban ng ofw’s sa naturang bansa.
Ayon kay Bello, marami sa distressed ofws ang nagkasakit habang ang iba naman ay namatay na sa paghihintay ng kanilang sahod mula sa kanilang mga employer sa Saudi.
Sinabi pa ng kalihim na handa ang DOLE sa pagtugon sa alalahanin ng Saudi’s Ministry of labor hinggil sa recruitment process ng ofws.
Aniya, bumuo na ang dalawang gobyerno ng kani-kanilang technical working groups upang resolbahin ang isyu na may kaugnayan sa labor-related issues.
Ngunit ayon kay Bello, dapat munang bayaran ang mga ofw.