Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa mga grupo at indibidwal na nangangalap o nanghihingi ng pera mula sa mga manggagawa kapalit ng livelihood at emergency assistance mula sa kagawaran.
Ito, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay makaraan silang makatanggap ng mga ulat ng mga indibidwal na nanunulisit ng pera na iniuugnay sa integrated livelihood and emergency program ng DOLE.
Paglilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi nagbibigay-pahintulot ang DOLE sa sinumang indibidwal o grupo para mangolekta ng pera para makakuha ng tulong sa kanilang nabanggit na programa.
Binigyang diin din ni Bello na hindi sila nangongolekta ng kahit anong membership at transaction fees para mag-proseso ng mga dokumento ng kanilang mga benepisyaryo.