Halos anim na milyong pisong cash ang ibinigay na tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa 600 manggagawa sa Albay na naapektuhan ng bagyong ‘Tisoy’.
Ang cash assistance na batay sa ilalim ng TUPAD o Tulong pang hanapbuhay para sa ating mga displaced/disadvantaged workers program ng DOLE ay iniabot ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa halos 500 manggagawa sa bayan ng Manito at 100 manggagawa naman sa bayan ng Daraga.
Ang naturang halaga ay magsisilbing short term wage employment ng mga manggagawa sa dalawang bayan.
Bilang kapalit, ang mga apektadong manggagawa ay tutulong sa pagsasagawa ng de clogging ng mga drainage canal, ilog, streams, waterways at mangrove areas sa lugar.