Nakatanggap na ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang lalawigan ng Davao Del Sur.
Sa ilalim DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), 50 benepisyaryo na kabilang sa Kiblawan Small Farmers Association na nakatanggap ng halagang P300,000 para sa bigas at veterinary supplies retailing station project.
Nakatanggap din ang lokal na pamahalaan ng Digos at Magsaysay ng mahigit P1.7-M at halos P300,000 para sa pagpapatupad ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers program o TUPAD sa lalawigan.
Gayundin, ang free planters cooperative na nakatanggap ng mahigit P5.5-M para sa Government Internship Program (GIP) sa lalawigan na layuning magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manggagawa sa larangan ng serbisyo publiko.—sa panulat ni Airiam Sancho