Nagbukas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng programa para sa pagkuha ng mas maraming encoders upang tugunan ang COVID-19 vaccination data backlog.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Interior Undersecretary Jonathan Malaya, binuksan ng DOLE ang government internship program para tumanggap ng mga karagdagang encoders.
Aniya, habang tumataas ang target na bilang ng mga babakunahan ay kailangan rin ng mas maraming encoders upang itala ang vaccination line list na ipinapadala sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Health (DOH).
Kasunod ito ng babala ng dilg na magbibigay sila ng show-cause orders sa mga lokal na pamahalaan na hindi makakapag sumite ng vaccination records araw-araw.—sa panulat ni Airiam Sancho