Naglabas ng mga alituntunin ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbabayad ng 13th month pay ng pribadong sektor ngayong taon.
Sa Labor Advisory 8 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad dito ang guidelines gamit ang basic wage sa Metro Manila na nasa 537 pesos kada araw.
Sa ilalim ng batas, obligadong magbigay ng 13th-month pay ang employer ng hindi bababa sa one-twelfth (1/12) ng kabuuang basic salary ng isang empleyado sa loob ng isang taon o calendar year.
Samantala, pinagsusumite rin ang mga kompanya ng report sa DOLE Establishment Report System hanggang January 15, 2022 bilang pagtalima sa kautusan ng labor department.