Nagpalabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga holiday sa buwang ito.
Ayon sa Labor advisory ng DOLE, ang December 8 na Feast of Immaculate Conception of Mary, December 24 at 31 ay pawang special non-working holidays.
Batay sa pay rules ng DOLE, kung ang empleyado ay hindi pumasok o papasok sa trabaho sa nasabing mga petsa, iiral ang ‘no work, no pay’ subalit kung pumasok o papasok sa trabaho, may dagdag siyang 30% sa kaniyang suweldo para sa unang walong oras na trabaho at dagdag pang 30% sa kaniyang hourly rate sa bawat oras ng kaniyang overtime.
Para sa naman sa December 25, Pasko at December 30 Rizal Day, na kapwa regular holiday –tatanggap ng kaniyang 100% na sahod ang isang empleyado kahit na hindi siya pumasok sa trabaho at kung papasok naman sa trabaho ay tatanggap ng 200% ng kanilang suweldo.
Dagdag namang 30% sa kanilang hourly rate ang tatanggapin ng empleyado sa bawat oras ng kanilang pag-overtime.