Naglabas ng Guidelines ang Labor Department para sa mga manggagawang mula sa pribadong sektor na magpabakuna sa ika apat na yugto ng bayanihan bakunahan ng pamahalaan bukas.
Batay sa inilabas na abiso, sakop ng guidelines ang mga manggagawa na dapat tumanggap ng second-dose o ‘yung mga lumagpas sa kanilang nakatakdang schedule.
Bukod dito, kasama rin ang mga nakatatanda, health workers at hindi pa nakatatanggap ng booster shot.
Nakasaad rin dito na ang mga employer na makikibahagi sa pagbabakuna sa March 12 ay hindi mamarkhang absent.