Naglabas ng guidelines ang Labor Department para sa profiling ng child laborers sa bansa na magpapalakas sa mga programa ng pamahalaan upang mailigtas sila sa lahat ng uri ng child labor at exploitation.
Ipinunto ng Department of Labor and Employment o DOLE na mahalagang magkaroon ng nationwide profile ng mga child laborers upang makagawa ng nararapat na aksyon ang pamahalaan.
Base sa guidelines, matatawag na child labor ang anumang uri trabaho o economic activity kapag ginagawa ito ng isang binatilyong nasa edad na 18 pababa.
Nakasaad rin dito na mapanganib sa kalusugan at psychological development ng isang bata ang lahat ng klase ng exploitation.
Pahayag ng DOLE, mayroon ng survey noong 2011 ang Philippine Statistics Authority ngunit hindi naman nailagay dito ang pangalan at lokasyon ng mga menor de edad na biktima ng child labor.