Inilatag ng Department of Labor and Employment ang mga accomplishments ng ahensya na maaring mapasama sa state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.
Ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello III na umaabot na sa kalahating milyon na dating contractual sa trabaho ang regular na ngayon.
Sinabi ni Bello na karamihan dito ay kusang loob na ginawa ng mga employers bilang pagpapakita ng suporta sa pangulo.
Maliban dito, sinabi ni Bello na umabot rin sa 20,000 manggagawa na nawalan ng trabaho sa Boracay ang nabigyan nila ang emergency employment sa loob ng anim na buwang rehabilitasyon ng isla.
Sa ikatlong taon rin anya ng Duterte administration ay naitatag na ang OFW Bank, ang one stop shop service sa bawat rehiyon para sa mga OFW at ang posibleng pagtatag ng Department of OFW bilang hiwalay na ahensya ng pamahalaan.
“May ipapatayong ospital na binanggit niya (Pangulong Duterte) para sa mga OFW na libre. Hindi lamang yung mga OFW kasama na yung mga dependents diyan. Ang alam ko dapat this month magkakaroon ng outbreaking.” — Pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello lll
(Balitang Todong Lakas interview)