Tanging mga pumasok lang ng araw ng holiday dahil sa paggunita sa Undas ang makakatanggap ng dagdag na sahod.
Ito ang ginawang paglilinaw at paalala ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga manggagawa kaugnay sa dalawang araw na special non-working holiday sa buong bansa ang October 31 at November 1 kaya’t epektibo ang ‘no work, no pay scheme.’
Sa mga naturang mga araw makakatanggap ang mga manggagawang papasok ng dagdag 30 porsyento sa kanilang arawang sahod.
Kung nagkataon naman na rest day ng empleyado ang mga naturang araw at papapasukin pa rin, siya ay dapat makatanggap ng 50 porsyentong dagdag sa kaniyang arawang sahod.
Bunsod nito nagpaalala din ang DOLE sa mga employers na sumunod sa mga tuntunin para maiwasan sa posibleng parusang ang kanilang harapin sa oras na hindi ito sundin.
—-