Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa tamang pasahod ng mga employer sa kanilang mga empleyado ngayong Chinese New Year.
Ito’y kasunod ng deklarasyon bilang special non-working holiday ng Chinese New Year.
Ayon sa DOLE, kapag special non-working holiday, makakatanggap ng dagdag na 30% ang mga empleyado sa unang walong oras ng trabaho.
Dapat naman umanong bayaran ng karagdagang 30% ang hourly rate sa naturang araw ang magtatrabaho ng lagpas sa walong oras.
Kung pinili namang magtrabaho ng isang empleyado sa araw ng kaniyang day off ay dapat na makatanggap siya ng 30% sa kada isang oras ng kaniyang trabaho.