Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer kaugnay sa tamang pagpapasahod sa October 31.
Kasunod ito nang pagdedeklara ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Sa October 31 bilang Special Non -Working Holiday dahil sa paggunit sa araw ng mga patay.
Dahil dito, sinabi ng DOLE na ang mga empleyadong papasok sa trabaho sa October 31 ay mayruong dagdag na 30% sa kanyang daily rate para sa unang 8 oras ng trabaho at dagdag na 30% sa kada oras na lampas sa 8 oras.
Sa nasabing polisiya , saklaw ng no work, no pay policy ang October 31 maliban sa Company Policy o Collective Bargaining Agreement.