Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa tamang pagpapasahod sa mga manggagawa na pumasok ngayong araw na selebrasyon ng Feast of Immaculate Conception of Mary.
Ito ay matapos ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na ito bilang special non-working holiday, alinsunod sa Proclamation no. 1236.
Sa Labor Advisory no. 25, series of 2022 na inilabas ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, binigyang-diin nito ang ipinatutupad na “no work, no pay” ngayong araw.
Para sa mga manggagawang papasok sa trabaho, makatatanggap sila ng karagdagang tatlumpung porsyento ng kanilang sahod sa unang walong oras.
Madaragdagan pa ito ng 30% kung mag-o-overtime at 50% kung papasok kahit restday.
Ang Feast of Immaculate Conception of Mary ay itinuturing na isang banal na araw ng obligasyon ng mga romano katoliko, na ginagawa sa pamamagitan ng pagpunta sa banal na misa.