Nagpadala na ng tauhan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa HTI o House Technologies Industries sa Epza, General Trias, Cavite.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay para imbestigahan ang posibleng paglabag sa labor law ng kumpanya.
Nais din malaman ni Bello kung mayroong sapat na pasilidad ang HTI para sa kaligtasan ng mga manggagawa nito.
Sinabi ni Bello na makakatanggap ng 30 libong pisong ang mga biktima ng sunog at pinag – aaralan na rin nila ang pagbibigay ng emergency employment program para sa tinatayang 15 libong apektadong manggagawa.
By: Katrina Valle / Aya Yupangco