Nagtayo ang Department of Labor and Employment ng 24/7 Command Center para bigyang proteksyon ang mga Overseas Filipino Workers.
Ayon sa DOLE, ang OFW Command Center ay magsisilbing Central Referral at Action Hub para sa mas mabilis na pag-aksyon at pagtugon sa mga problema at pangangailangan ng mga manggagawang Pinoy abroad.
Batay sa Administrative Order Number 73 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello the Third, tatanggapin sa naturang command center ang walk-in, e-mail, text at telephone assistance ng mga OFW.
Maliban dito, maaari ring ma-access ang OFW Command Center sa pamamagitan ng social media at iba pang online messaging platforms.
Posted by: Robert Eugenio