Pinaghahandaan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga ilalatag na polisiya para sa mga manggagawang maaapektuhan nang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas at sa buong daigdig.
Ito’y sa pangambang tumagal pa ang pagkalat ng sakit hanggang Hunyo o Disyembre 2020.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapatupad ang ahensya ng mitigating measures gaya ng implementasyon ng mekanismo para sa mga negosyo na mag-adopt ng flexible work arrangements.
Nariyan din ang mabilis na aksyon kaugnay sa job displacement ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).
Aalamin din aniya ang mga prayoridad sa pagkakaloob ng financial assistance sa pamamagitan ng adjustment measures program (AMP).
Maaari din umanong matulungan ang mga apektadong mangggawa sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga ito sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Samantala, isang centralized monitoring system naman ang ilalagay ng DOLE para makita ang estado ng mga manggagawang apektado ng COVID-19.