Nakatakdang ilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kauna-unahang OFW Children’s Circle.
Layunin ng naturang programa na magabayan ang paghubog sa potensyal ng mga bata habang malayo sila sa kanilang mga magulang na kinakailangang magsakripisyo at magtrabaho sa ibang bansa.
Gayunman, aprubado na ang P15M pondo para sa mga aktibidad ng OFW Children Circle.
Samantala, nakataklda namang isagawa ang pilot run sa Metro Manila , Ilocos Region , Calabarzon, Central Visayas at Davao Region.