Nakatakdang ipatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mas pinalawak at pinalakas na emergency employment programs para sa informal at formal workers na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III para sa informal workers, plano nilang ilunsad ang expanded tupad o tulong pang hanapbuhay sa ating disadvantage o displaced workers program.
Sinabi ni Bello na sa ilalim ng mas pinalawak na tupad program gagawin nila ng tatlo hanggang anim na buwan mula sa dating 10 araw lamang na trabaho
Nangangahulugan ito aniyang may tatlo hanggang anim na buwang kikita pa rin ang mga informal worker sa pamamagitan ng community based activities, cleaning and gardening o mga trabaho sa kanilang komunidad.
Bukod dito inihayag ni Bello na may programa rin ang DOLE para sa formal workers o tinatawag na wage subsidy para sa employers na bibigyan ng 25% hanggang 50% na subsidy sa kondisyong hindi sila magtatanggal ng mga empleyado at sa halip ay pupwede pang magdagdag.