Maglalabas ng advisory ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na linggol ukol sa isyu ng pagbabakuna sa lugar ng trabaho.
Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, hindi maaaring pilitin ang mga empleyado na sumailalim sa vaccination nang walang consent mula rito at aniya’y illegal ang nasabing requirement.
Dahil dito, nanawagan si Bello sa mga manggagawa na i-report sa kanila ang mga ahensya o ang kanilang employer kapag pinilit silang magpabakuna.
Nilinaw naman ni Bello na wala pa silang natatanggap na anumang reklamo mula sa mga empleyado ukol sa naturang usapin.