Nakatakdang maglagay ng one-stop shop ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pogo hubs.
Ayon kay Dominique Tutay, director ng Bureau of Local Employment ng DOLE, layon nitong matugunan ang pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa Pogo industry at mapadali ang pagbibigay ng alien employment permit.
Kabilang sa mga lalagyan ng one-stop shop ay Pogo hubs na matatagpuan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Southern Luzon, Central Visayas at Davao Region.
Sa tala ng DOLE, tumaas ng 143% ang nabigyan ng alien employment permit sa unang bahagi pa lamang ng taon kumpara sa parehong panahon noong isang taon.