Nagpaalala muli ang Department of Labor and Employment sa mga employer kaugnay sa holiday pay ngayong araw na ito na paggunita sa 152 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na regular holiday ngayong araw na ito kayat dapat tumanggap ng dobleng sahod o 200% ang makuhang suweldo ng mga empleyadong papasok.
Ayon pa kay Baldoz, 30% naman base sa kaniyang arawang sahod ang dagdag sa kada oras na nag overtime ang isang empleyado.
Samantala, tatanggap pa rin ng 30% sa daily rate ang mga empleyadong natapat ang day off sa holiday at regular pay naman ang bayad sa mga hindi papasok na empleyado ngayong araw na ito.
By: Judith Larino