Hindi maaaring ipitin ang suweldo ng mga manggagawang hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, maaari lamang itong gawin ng mga kumpaniya kung tatanggi ang kanilang mga empleyado na magpabakuna .
Paliwanag ni Bello, pwede rin itong pagbasehan na kailangan ay bakunado ang mga manggagawa ng bagong ipinatutupad na alert system sa bansa.
Base kasi aniya sa resolusyon ng IATF, kapag isinailalim sa alert level 3 dapat bakunado na ang lahat ng empleyado bukod sa mga kustomer.
Nakasalalay din aniya sa mga empleyado ang kaligtasan ng kanilang mga kustomer.
Kung hindi magpapabakuna ang mga kawani o empleyado ng isang establishmentmaaari itong gawing dahilan upang tanggalin sila sa trabaho.