Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, III ang isyu hinggil sa 20,000 OFWs na na-stranded patungo sanang Saudi Arabia.
Ayon kay Bello, hindi naman marami ang bilang ng mga na-stranded kung saan, malaki na aniya ang 1,000 o 2,000.
Iginiit ni Bello na “fake news” ang mga kumakalat na balita dahil sinisiguro ng kanilang ahensya na walang magiging biktima ng mga false recruitment agencies.