Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na protektado ng umiiral na Labor Code of the Philippines ng isang kontrata ang mga food delivery rider.
Sa isang advisory, sinabi ng ahensya dapat makatanggap ng minimum standards at benepisyoang delivery riders na kinokonsiderang empleyado ng digital platform companies.
Kabilang dito ang minimum wage, holiday pay, premium pay, overtime pay, night shift differential, service incentive leave, 13 month pay, separation pay at retirement pay.
Dapat din silang magbenipisyo sa occupational safety and health standards, social security system, PhilHealth at Pag-IBIG at iba pang benepisyo sa ilalim ng mga umiiral na batas sa paggawa.
Habang ang mga itinuturing na independent contractors o freelancer na rider naman ay nakadepende sa isinasaad ng kanilang kontrata sa isang digital platform company. —sa panulat ni Hya Ludivico