Nirerepaso na ng DOLE o Department of Labor and Employment ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na baligtarin ang utos ng ahensya na i-regular ang mga empleyado ng PLDT.
Kasunod ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nang pagpayag ng Office of the Solicitor General na katawanin ang dole sa naturang usapin.
Kasabay nito inamin ni Bello na dahil sa nangyaring desisyon ng CA ay maantala ang pag-regular sa mahigit pitong libong manggagawa ng PLDT.
Magugunitang kinatigan ng ca ang utos ng DOLE na i-regular ang mga empleyado subalit para lamang sa mga nasa mahalagang trabaho sa mismong telecommunication business ng kumpanya tulad nga mga nasa installation at maintenance ng mga linya at mga nagkukumpuni nito.
Mananatili anitong contractual workers ang mga janitor, messenger, clerks, it employees at support services, call center agents, sales, medical, dental at engineering services.
—-