Patay ang isang labor officer matapos tambangan sa Malate, Manila.
Dead on arrival sa ospital si Department of Labor and Employment (DOLE) Senior Officer Helen Dacanay makaraang pagbabarilin ito ng riding in tandem Lunes, Nobyembre 4.
Ayon kay Police Lt. Col. Ariel Canarle Caramoan, hepe ng Manila City Police Station 5, binabaybay nuon ni Dacanay ang kahabaan ng malvar street sakay ng kaniyang hyundai nang mangyari ang insidente.
Maswerte namang nakaligtas ang kasama nitong si Atty. Agatha Ann Daquigan, isang labor arbiter ng National Labor Relations Commission (NLRC).
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad para sa pagkakilanlan ng mga suspek at sa motibo ng mga ito.