Nakatakdang ilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bago nitong polisiya na nagre-regulate sa kontraktuwalisasyon sa bansa anumang araw ngayong linggo.
Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, hindi na hihintayin pa ng gobyerno na magkasundo ang mga manggagawa at kumpanya bago nila ilabas ang bagong guideline kaugnay sa contractual employment.
Nabigyan na aniya ng sapat na oras ang dalawang panig para mapag- usapan ang isyu at masolusyunan ngunit nabigo pa ring magkasundo ang mga ito.
Kasama sa isusumiteng revised version ng polisiya ay ang listahan ng mga trabaho na hindi maaaring magpatupad ng contractual arrangement scheme.
Ngayong araw inaasahang isusumite kay DOLE Secretary Silvestre Bello ang bagong polisiya para maaprubahan nito.
By Rianne Briones