Pansamantalang sinuspindi ng DOLE o Department of Labor and Employment ang pagpapalabas ng AEP o Alien Employment Permit para sa mga dayuhang manggagawa sa Boracay.
Sakop ng kautusang ito ng DOLE ang mga nagnanais pa lamang magtrabaho sa Boracay gayundin ang mga may valid AEP na gustong kumuha ng renewal.
Gayunman, hindi sakop ng kautusan ang mga dayuhang gustong magsagawa ng research hinggil sa ginagawang rehabilitasyon sa Boracay, mga permanent resident foreign nationals at may probationary o temporary resident visa holders.
Ang kautusan ng DOLE ay mayroong bisa hangga’t hindi natatapos ang rehabilitasyon ng Boracay.