Tiniyak ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na hindi maba-blangko ang DOLE o Department of Labor and Employment sa nakatakdang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay Maglunsod, aabot na sa mahigit animnapung libong (60,000) mga manggagawa ang kanilang napa-regular sa trabaho.
Maipagmamalaki rin aniya ng kagawaran ang mahigit isang libong labor case na kanilang naresolba, mga naibigay na ayuda at ang pag-asiste sa repatriation ng libu-libong mga OFW o Overseas Filipino Worker.
Gayunman, aminado si Maglunsod na magiging mahaba pa ang proseso sa mga ninanais ng ilang labor groups katulad ng endo at minimum wage increase.
Pagtitiyak naman ni Maglunsod, patuloy ang ginagawang trabaho ng DOLE para maibigay ang lahat ng mga ipinangako ng administrasyon sa mga manggagawa.
Krista De Dios | Story from Aya Yupangco