Pina-aalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer at iba pang stakeholder na tumalima sa Republic Act 10911 o Anti-Age Discrimination Law.
Ito’y makaraang lagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello ang department order 170 o implementing rules and regulations ng naturang batas.
Ayon kay Bello, dapat ng alisin ang age requirement at bawal ding tanggihan ang mga employment application dahil lamang sa edad ng naghahanap ng trabaho.
Saklaw ng mga probisyon ang lahat ng employers, publishers, labor contractors o subcontractors maging ng mga labor organization rehistrado man o hindi.
Mahaharap naman sa multang hindi bababa sa 50,000 Pesos pero hindi hihigit sa 500,000 Pesos o pagkakakulong ng hindi bababa sa tatlong buwan at hindi hihigit sa dalawang taon ang mga lalabag sa batas.
Pebrero 2 nang lagdaan ang IRR At magiging epektibo 15 araw matapos ang ilathala sa mga pahayagan.
By: Drew Nacino