Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na tumalima sa holiday pay rules ngayong araw.
Magugunitang naglabas ang DOLE ng labor advisory 12 matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday ang August 21 bilang paggunita sa Eid’l Adha.
Kasabay ito ng taunang non-working holiday upang gunitain naman ang araw ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Sakaling hindi pumasok ang isang empleyado, matatanggap pa rin nito ang kanyang arawang sahod habang tatanggap ng double pay at additional 30 percent o 260 percent ang empleyadong papasok ngayong araw.
Para naman sa mag-o-overtime, dagdag na 30 percent ng hourly rate ang tatanggapin ng isang empleyado bukod pa sa 260 percent pay.
Sa mga empleyadong naka-rest day subalit mag-ta-trabaho, dagdag na 50 percent ng kanilang daily rate ang matatanggap at kung sumobra ng walong oras ay karagdagang 30 percent ng kanilang hourly rate.