Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya kaugnay ng deadline sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga mangagawa.
Batay sa isinasaad ng batas, kinakailangang maibigay ng mga employer ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado bago o hanggang sa mismong araw ng Disyembre 24.
Sakop nito ang lahat ng mga rank and file employees na makakapagbuno ng hindi bababa sa isang buwang trabaho.
Kaugnay nito, hinihikayat ng dole ang mga manggagawang hindi nakatanggap ng 13th month pay na magreport sa kanila.
Tiniyak naman ng DOLE na kanilang iimbestigahan ang lahat ng mga reklamong matatanggap hinggil sa hindi pagbibigay ng 13th month pay.
Samantala, umabot sa 21,000 mga small and medium enterprises ang kumuha ng loan sa Department of Trade and Industry.
Ilan anila sa mga ito ang nagsabing kanilang gagamitin ang inutang bilang pambayad sa 13th month ng mga empleyado.