Pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga regulasyon at kondisyon sa pagsasagawa ng work from home set up sa ilalim ng Department Order 237.
Ito’y kasunod ng inilabas ng kagawaran na layunin nito na hikayatin ang mga stakeholder na magpatupad ng telecommuting program.
Kung saan nakasaad sa binagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11165 o ang Telecommuting Law ang terms and conditions ng telecommuting.
Gaya ng pagturing sa Work From Home (WFH) na hindi iba sa trabaho na ginawa sa regular na work place, pagkakaroon ng parehas na karapatan ng mga empleyado gaya ng pagkakaroon ng rest days, holidays special non-working days, parehas na work load at sahod.
Gayundin ang hindi pagturing sa mga empleyado na naka-work from home bilang field personnel maliban kung ang kanilang aktwal na oras ng trabaho ay hindi matutukoy o walang katiyakan.
Dapat ding ibilang sa working hours ng mga empleyadong naka work from home ang mga oras na kinakailangan ang mga ito sa tungkulin.
Binigyang kahulugan din sa kaparehong department order ang alternative workplace bilang isang anumang lokasyon o lugar kung saan nagtatrabaho ang isang empleyado sa pamamagitan ng telecommunication. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)