Pinaiimbestigahan ng labor department ang umano’y pagkaltas sa payout ng ilang benepisyaryo ng cash assistance program para sa displaced worker sa Palawan.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kung isusupindi nito ang tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o tupad sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ni DOLE Spokesperson Director Rolly Francia, ilang opisyal sa ikalawang distrito sa Palawan ang umano’y nagbabawas ng P2K hanggang P3K sa payout ng mga benepisyaryo.
Ang mga indigenous people ang lubos na naapektuhang mga benepisyaryo sa lugar.
Samantala, ipinabatid pa ni Bello na nangangalap pa ang DOLE sa naturang insidente dahil natanggap lamang niya ang mga ulat ukol dito sa pamamagitan ng impormal na text message.