Tinatarget ng DOLE na magbukas ng aplikasyon para sa one-time 5,000 peso cash aid sa mga manggagawa sa pribadong sektor na naapektuhan ngmas pinaigting na alert level 3 sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa hanggang January 31.
Ipinabatid ni labor assistant secretary Dominique Tutay na hawak na ni labor secretary Silvestre Bello, III ang draft ng guidelines para sa 1 billion camp o COVID adjustment measure program 2022 para sa pag apruba nito.
Sinabi ni Tutay na sakaling aprubahan ni Bello ang draft guidelines, kaagad itong ilalathala para sa agarang effectivity nito.
Sa ngayon, inaasahan ng ahensya sa susunod na linggo na mabubuksan ang sistema para sa camp application sa formal sector upang maibigay ang benepisyo sa halos dalawandaang libong manggagawang apektado ng alert level 3. —sa panulat ni Angelica Doctolero